Mariing binatikos nitong Martes ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang Davao Police matapos sabihing blangko sila sa kinaroroonan ng kontrobersyal na si Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ni Castro na napakalaki ng intelligence fund at confidential fund ng Davao Police pero tila aniya wala itong silbi dahilan hindi nila maituro at matukoy ang pinagtataguan ng kontrobersyal na si Quiboloy na ngayon ay may warrant of arrest na kinakaharap.
Ayon kay Police Regional Office 11-Davao Spokesperson P/Major Catherine dela Rey, wala silang impormasyon sa presensiya ni Quiboloy sa Davao.
Magugunita na inamin ni Quiboloy sa isang video post na totoong nagtatago siya dahil sa mga banta sa kaniyang buhay.
“We cannot confirm if Pastor is still in Davao because we also do not know where he is now,” ayon sa pahayag ni dela Rey.
inb4 he turns himself into a “martyr”